Mga movie tickets na naipon ko mula 2008, lahat ng palabas na pinanood namin ni Jason.. Isa sa mga gustong-gusto naming gawin sa mall aside sa kumain ay ang manood ng sine. Kung late kami sa oras, kaya naming mag-antay ng ilang oras para sa susunod na screening, ganun kami ka-tyaga. Past time namin 'to. Dahil malapit lang kami sa mall, kahit anong oras na gustuhin namin, nakakapanood kami ng sine. Minsan lang talaga hindi kami magkasundo sa papanoorin. Ayaw nya ng Ingles at ayaw ko naman ng Tagalog, kaya bigayan talaga kami.. Kapag nakanood ng Ingles na palabas kinabukasan Tagalog naman.
Nakakatuwa at nakakalungkot.
Ngayon na malayo ang asawa/moviedate ko, malamang hindi na 'to madadagdagan. Siyam na buwan din akong mag-aantay para makapanood ng sine. Kaya nag-isip ako ng solusyon para dito. Sa mga susunod na palabas, ililista ko lahat ng sa tingin ko e magandang palabas, Tagalog man o Ingles, tapos bibili ako ng DVD (pasensya sa pirated kasi ang bilis ng kopya e..) iipunin ko, tapos maglalaan ako ng budget para sa mas bagong telebisyon at speakers para pagdating nya, wala kaming gagawin kundi manood ng DVD sa bahay kasama si Baby Travis.
Ayus ba naisip ko? Sana naman..
Kanina naman, naisipan kong bumili ng libro.. Dahil hindi ko nga 'to mapapanood sa sine.. Babasahin ko na lang..
Hindi man madagdagan ang iniipon kong movie tickets, libro at DVD naman ang simulang dumami..
0 comments:
Post a Comment
Thanks for your time
xx,
Sarah