Food

INSTAGRAM-ing

March 28, 2011

Hi Pangasius!

Fried Pangasius + Spinach with Kalamansi Sauce


Scenario prior to dinner time


Mom: Len, (That's how she calls me) iluto mo yung pangasius
Me: Ma? 
Mom: Oo. 
Me: ? 


Okay, clueless ako. 


Then I remember, Cream Dory? Pangasius? (fish fillet) I got one last grocery time. 
And thanks to available recipes online I get to cook it. My way. Ahuh! :) 
I found this recipe online. Thanks Sir Dennis. You're the best! 


The twirk -- since I don't have lemon, I used kalamansi.  I used spinach, my fave as a complement to the dish. 


How-how :) (Sorry, no pics e Next time, meron na.. )
Dahil magaling sa prituhan si Angel (ang aking kasambahay), sa kanya ko na pinatimplahan ng  asin, paminta at breading ang fish fillet at pinaprito din. 


Habang piniprito nya ang fish fillet. 
Ginawa ko naman ang suuuuper daling creamy (lemon) kalamansi sauce. 


Mga kailangan (bow) 
4-6 pcs Kalamansi (pwedeng dagdagan ayun sa gusto mong arrive ng asim) 
Mayonnaise
Butter 
Salt & Pepper (to taste) 
Milk


How-How
  • Haluin lahat sa isang mixing bowl. 
  • Initin ang sauce pan, set sa low-heat
  • Isalin ang sauce mixture, hayaan kumulo. (ng very light)  

Habang inaantay kumulo ang mixture. Igisa ang spinach, budburan ng konting nutmeg, at konting olive oil. (Super sandali lang to., mga 5 mins or less)  


Kapag check na ang: 
  • Pritong isda
  • Kumulo na ang sauce mixture at
  • Nagisa na ang spinach 

Then, Pak! Tapos na! 


PS, 
Ngayon ko lang nalaman na mahirap pala mag-recipe post. Challenging. 
Kaya naman, bow ako sa mga foodistas! Salamat sa mga recipe posts nyo :) 



0 comments:

Post a Comment

Thanks for your time
xx,
Sarah

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Designed by Patricia Alix-Villa of Fancy Girl Designs 2012

Back to TOP