Food

INSTAGRAM-ing

March 14, 2011

Travis: Taho, Lab Kita

yummytaho

Kada umaga, eksaktong alas-9, inaantay ko si Kuya JR na mangtataho. Suki namin siya. Magtataho din ang Tatay niya,na suki naman ng Lolo ko. Noong nasa loob pa ako ng sinapupunan ni Mommy, natikman ko na to, pamilyar na siya sakin, paborito siya ni Mommy kaya't nung pwede na akong kumain, pinatikim ako mismo ng Mommy ko. Gusto ko siya, ang lambot, manamisnamis kahit dinadaya nila ako at wala palang arnibal at sago yun. Masaya ako kasi kapag tulog pa ang Mommy ko at dadaan na si Kuya, pinalalagyan ko ng konting-konting-konting arnibal.


Nakakatuwa si Kuya JR, kasi kapag madami kaming biniling taho, nililibre nya ung akin, hindi pa naman daw ako malakas kumain e, pero kung tutuusin, malaki na nga tong tiyan ko, madami na nakakapansin e, pero ayus lang, cute pa din ako sa paningin ng Mommy ko, lalo na ng Daddy ko.

Kaunting trivia,
Ano ang Taho?
Ayon sa Wikipedia,
"Ang taho ay isang uri ng pagkaing Pilipino na hango mula sa impluwensya ng mga Intsik. Isa itong matamis na pagkain mula sa balatong (soybean, mga butong gamit sa paggawa ng sawsawang toyo) at malapot na sirup o pulot."

Ikaw, kailan ka huling kumain ng Taho?



Halik,
Travis

1 comment:

  1. Kumakain din ako nyan! Pero di na madalas ngayon, ngsawa yata ako.. Hihi - Fei :)

    ReplyDelete

Thanks for your time
xx,
Sarah

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Back to TOP