Fried Pangasius + Spinach with Kalamansi Sauce |
Scenario prior to dinner time
Mom: Len, (That's how she calls me) iluto mo yung pangasius
Me: Ma?
Mom: Oo.
Me: ?
Okay, clueless ako.
Then I remember, Cream Dory? Pangasius? (fish fillet) I got one last grocery time.
And thanks to available recipes online I get to cook it. My way. Ahuh! :)
I found this recipe online. Thanks Sir Dennis. You're the best!
The twirk -- since I don't have lemon, I used kalamansi. I used spinach, my fave as a complement to the dish.
How-how :) (Sorry, no pics e Next time, meron na.. )
Dahil magaling sa prituhan si Angel (ang aking kasambahay), sa kanya ko na pinatimplahan ng asin, paminta at breading ang fish fillet at pinaprito din.
Habang piniprito nya ang fish fillet.
Ginawa ko naman ang suuuuper daling creamy (lemon) kalamansi sauce.
Mga kailangan (bow)
4-6 pcs Kalamansi (pwedeng dagdagan ayun sa gusto mong arrive ng asim)
Mayonnaise
Butter
Salt & Pepper (to taste)
Milk
How-How
- Haluin lahat sa isang mixing bowl.
- Initin ang sauce pan, set sa low-heat
- Isalin ang sauce mixture, hayaan kumulo. (ng very light)
Habang inaantay kumulo ang mixture. Igisa ang spinach, budburan ng konting nutmeg, at konting olive oil. (Super sandali lang to., mga 5 mins or less)
Kapag check na ang:
- Pritong isda
- Kumulo na ang sauce mixture at
- Nagisa na ang spinach
Then, Pak! Tapos na!
PS,
Ngayon ko lang nalaman na mahirap pala mag-recipe post. Challenging.
Kaya naman, bow ako sa mga foodistas! Salamat sa mga recipe posts nyo :)